1. Plantito/Plantita- isang jargon na salita mula sa pinagdugtong na "Plant" at "Tita". Mga taong nakahahanap ng kaligayahan sa pag-aalaga ng mga halamang pantahanan.
2. Community Pantry- isang proyekto ng mga pribadong indibidwal na nagbibigay tulong sa mga mahihirap o nangangailangan. Nagtatayo sila ng pwesto na kung saan pwedeng kumuha ng mga pagkain o gamit basta ito ay ayon sa pangangailangan ng tao. Bilang kapalit sa kinuha, maaaring magbigay ng ibang produkto.
3. Online Class- isang sistema ng pag-aaral na ang klase ay isinasagawa sa online (paggamit ng internet upang tayo ay makipagsalamuha sa estudyante o guro). Isa itong paraan upang maiwasan ang paglaganap ng sakit ng mga mag-aaral ngayong pandemya.
4. Webinar- isang live na web-based video conference na gumagamit ng internet upang ikonekta ang indibidwal na nagho-host ng webinar sa isang madla-ang mga manonood at tagapakinig upang talakayain ang isang usapin.
5. TikTok- Ang TikTok (dating kilala bilang Musical.ly) ay isa sa napakalaking apps ng social media na sumikat dahil sa Quarantine. Madaling gamitin ang application na ito at pinapayagan ang mga gumagamit na lumikha ng masaya at nakakatawang mga video sa isang iglap.
6. Milk Tea- pinasimpleng tawag sa pearl milk tea at iba pang kaparehang uri ng mga tsaa at inuming mula sa pinaghalong gatas, tsaa, arnibal, asukal at mga piling prutas.
7. Ayuda- kusang-loob na pagbibigay ng tulong mula sa gobyerno o pribadong indibidwal para sa pinansyal, materyal, at makakain ng mga tao lalo na sa panahon ng kalamidad.
8. Online Shopping- isang web-based na mga tindahan na nakabukas 24/7. Sa makatuwid, maaari kang bumili anumang oras at kahit saan ka man hanggat ikaw ay may access sa internet gamit ang iyong kompyuter, cellphone, at iba pang mga gadget.
9. Internet Love- bagong anyo ng pag-ibig na nagaganap sa social media o dating sites. Nangyayari ang pagliligawan gamit ang Facebook, Twitter, Instagram, Tinder, Grindr at marami pang iba.
10. Kween- isang salitang nanggaling sa "gay lingo" o "bekimon" na ibig sabihin ay Queen na ginagamit upang parangalan ang isang babae o beki na nagtatagumpay sa kaniyang ginagawa.